Si Kuya Jobert ay nagsisinungaling. Pero parang siya pa ang galit, parang yung umaakusa pa ang gumagawa ng kasalanan. Sa kanyang panan(-)aw, ang pagsasakdal sa kanya ay isang kasalanan, dahil buo ang paniniwala niya siya ang nasa tama. Subalit nagsusumigaw na ang ebidensya sa ilalim ng kanyang ilong – nasa kanyang bibig – na siya ang kumain ng sitsirya. Todo tanggi pa siya, kesyo hindi raw siya kumakain ng Clover at ng DingDong. Pinapalabas niya na siya pa nga ang huling taong gagawa ng ibinibintang sa kanya. Lahat ng ito ay kanyang ginagawa sa isang paraang sadyang nakakatawa at nakakaaliw. Ang tanong, bakit tayo natatawa? Bakit tayo natatatawa sa pagsisnungaling ni Kuya Jobert? Bukod, at beyond, sa execution, sa kapani-paniwalang pag-arte ni Kuya Jobert, ang tinatawanan natin dito ay ang akto ng pagsisinungaling at pagtanggi sa harap ng nagsusumigaw na ebidensya ng kamalian. Na sa wikang Ingles ay maaaring basahin bilang impunity (na nangangahulugang “exemption from punishment”), o straight-faced lying. In short, KAKAPALAN NG MUKHA. (UPDATE: Aba'y nagsasakit-sakitan pa ang TNL na ito at ang asawa niya! Ayan tuloy kinulong sila ng mga senador...)
Napag-uusapan na rin lang ang impunity at ang straight-faced lying, nitong mga nakaraang buwan ay laman ng balita ang iskandalo ng pabaon sa mga nagre-retirong heneral ng ating Sandatahang Lakas. [Insert background] Ang tanong: nasasalamin ba ni Kuya Jobert sina Gen. Ligot, Gen. Garcia, Mrs. Ligot, at Mr. Yambao? Natural ba itong dulot ng ating likas na kakayahang tawanan ang ating mga problema? Sa madaling salita, maaari bang ituring si Kuya Jobert na metapora ng kultura ng pagsisinungaling sa pulitikang Pilipino? Natatawa na nga lang ba tayo sa garapalang pagsisinungaling? O isa itong "panghahamak"?
No comments:
Post a Comment