Saturday, February 19, 2011

MARABAHAYA: Danger ahead

Katatapos lang i-discuss sa klase ang mga kaisipan ng Postcolonialism. Layunin ng mga Postcolonialist tulad nina Frantz Fanon atbp na labanan ang nagpapatuloy na impluwensiya ng kolonisasyon sa daigdig. Hindi natatapos ang pananakop sa pag-alis ng mga sundalo at sa pagshi-shake hands ng mga presidente. Nagpapatuloy ang mapanakop na gawain ng mga Kanluraning bansa sa pamamagitan ng kung anu-anong paraan: madadayang trade agreement, pautang (IMF ba), at higit sa lahat, sa pamamaraang kultural.

Kaya inuudyukan nina Fanon na saliksikin nating mga Postcolonial peoples ang ating nakaraan, ang ating alaala't gunita. Bakasakaling may matagpuan pa tayo roong mga kaisipan at mga kaanyuang TALAGANG atin. Mula rito ay sikapin nating bumuo ng panibagong pagkatao at pagkakakilanlan bilang isang bansa.

At dahil diyan, ipapakita ko ang videong ito upang magsilbing halimbawa.



Para sa kaunting background, ang pangalan nila ay Project E.A.R., short por East Asia Revolution. Isa itong collaboration ng anim na bandang mula sa ASEAN. (Kaya dapat siguro Project S.E.A.R.)

Ang mga banda:

1. Pop Shuvit (Malaysia)
2. Slapshock (Philippines)
3. Saint Loco (Indonesia)
4. Ahli Fiqir (Singapore)
5. Thaitanium (Thailand)
6. Silksounds (Thailand)


Ang tanong, isa ba itong obrang postcolonial? Postcolonial ba yung pagsasama ng Kanluraning musika at Silanganing wika? Sinamahan pa ng lyrics na nagpapakita ng ASEAN pride? Kayo ang humusga...


 Video galing dito, Background Info galing ditoat dito.



No comments:

Post a Comment